
Ang DYVL 819 AM Aksyon Radyo ang pangunahing istasyon ng AM radyo sa Tacloban at Silangang Visayas, pagmamay-ari ng MBC Media Group. Naghahatid ito ng mga lokal at pambansang balita sa Wikang Waray at Filipino, kasama ang public affairs, komentaryo at drama. Matatagpuan ang studio at transmitter nito sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte.