
Ang 91.7 Magik FM (DWCN) ay isang FM na estasyon ng Century Broadcasting Network na sumasahimpapawid sa Tuguegarao at mga kalapit na bayan sa Cagayan Valley. Naghahatid ito ng contemporary MOR, OPM at lokal na balita at talakayan sa wikang Ibanag at Filipino, at nagsasahimpapawid din ito nang live sa Facebook.