
Ang FMR Baguio (DZYB 102.3 FM) ay istasyong pang-radyo sa Baguio na pagmamay-ari ng Nation Broadcasting Corporation at pinapalakad ng Philippine Collective Media Corporation. Naghahatid ito ng masang contemporary MOR at OPM na musika at nagsisilbing relay ng 92.3 FMR (Favorite Music Radio) sa Manila. Dating nakilala bilang MRS 102.3, Jesse at Radyo5 bago naging bahagi ng FMR network noong Nobyembre 2024.