
Ang Brigada News FM Pagadian (DXVV 105.7 MHz) ay isang lokal na istasyon ng radyo sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Nagbo-broadcast ito ng balita, komentaryo, at musika sa Filipino at Cebuano. Bahagi ito ng Brigada News Network ng Brigada Mass Media Corporation, na may slogan na "The Music and News Authority".