
Ang 104.7 iFM Dagupan (DWON) ay isang himpilang pambrodkast na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Nagbibigay ito ng contemporary middle-of-the-road (MOR) radio format, Original Pilipino Music (OPM), at lokal na balita sa Pangasinan at mga karatig na lugar. Ang istudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa 3/F Marigold Bldg., M.H. del Pilar St., Brgy. Herrero, Dagupan City.