
Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.
Episodes

Handa akong maging kabit ng isang hot mommy
"May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?" Ibinahagi ng sender, isang water delivery boy, na 'di niya mapigilan ang paghanga niya sa customer niya. May anak man ito, nais pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito. Ito ang secret

Ka-esmiringhoy ko sa sasakyan ang aking kalandian
"Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may ginagawa kami sa loob ng sasakyan niya. Naulit ito nang ilang beses." Ibinahagi ng letter sender na lintik talaga ang pag-ibig! Kung ano-anong nagagawa niya para rito–u

Ginamit niya ang sexy pictures ko pang-blackmail
"Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.." Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong para sa mata lang ng taong mahal niya ay ginagamit ngayon pang-blackmail sa kaniya. Ito ang secret file ni Mia.

Nabuntis ko ang kabit ko kaya pinakasalan ko siya
"Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya." Ibinahagi ng letter sender na minsan, nananaig talaga sa lalaki ang tawag ng laman. Bakla man siya at in a relationship sa kapwa niya lalaki, 'di pa rin niya napigilang magkaroon ng kabit na babae. Ngayon, buntis ang kabit niya at wala siyang choice kun&

Sa‘yo ang Sabado ko kahit hindi ka akin
"Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang iwasan. Ang isang babae ito para sa kaniya. Kahit kasal at pamilyado na ito, 'di niya mapigilan na ialay lahat ng kaniyang oras para rito. "Best friends" lang sana,

Ayoko nang mag-overtime dahil munti na akong mamatay
Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na makabili agad, napahamak pa siya—nakatapak ng ebak, nadapa sa butas, at muntik pang mabangga ng motor! Sa sobrang dumi at gulo ng kanyang itsura, pati tindera at security guard ay natakot sa

Nakipag-one night stand ako sa katrabaho ko
Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting

Ginawa kong kabit ang rider ko
Pagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niya. Pero ang akala niyang bagong pag-ibig ay puno rin pala ng kalituhan—walang label ang relasyon nila, at minsan ay bigla na lang nawawala a

Sa motel namatay ang asawa ko
Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakata

Sa sobrang excitement, ibang AFAm ang nayakap ko
Halos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na ito sa Pilipinas. Sa sobrang sabik niyang mayakap ang nobyo, napayakap pa siya sa maling foreigner sa airport! Pero ang pinakahindi niya malilimutan ay ang tunay na pagkikita nila ng AFAM—na

Sobrang wild niya at sarap na sarap ako
Matapos ang masakit na breakup, muling nakahanap ng saya ang letter sender sa isang kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa simpleng utang, pero nauwi sa isang lihim na relasyon na hindi na niya kayang basta bitawan. Ang problema, may boyfriend na siya at maayos naman ang pagsasama nila. Ngayon, hati ang puso niya sa pagmamahal at sa isang lihim na nagbibigay sa kanya ng ibang klaseng saya—at hindi

Apat ang jowa ko
Ibinahagi ng sender na totoo nga ang sinasabi nila na "the more, the merrier!" Paano ba naman kasi, apat na lalaki ang sabay-sabay niyang minamahal at kinakausap. Hanggang kailan kaya niya mapapanindigan ang apat na jowa? Ito ang secret file ni Janna.

Tinago ko sa Boyfriend ko ang gabing iyon
Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.

Impyerno ang ipinaranas sa‘kin ng taong ipinagdasal ko
Akala ng letter sender na sa wakas dumating na ang lalaking matagal niyang ipinagdasal. Minahal niya ito, pinili kahit may mga babala ang pamilya, at bumuo sila ng sariling pamilya. Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, ang lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ay siya ring naging dahilan ng paulit-ulit niyang pagluha at pagdurusa. Sa kabila ng dalawang anak at mga pangarap n

Lasing lang sana, pero...
Isang masayang inuman sana kasama ang barkada ang nauwi sa isang nakakagulat na kalokohan. Habang lasing si ang letter sender, pinainom siya ng kaibigan niya ng isang basong hindi niya alam ang laman. Nang malaman niya ang totoo, nagulat siya pero nauwi rin sa tawanan ang lahat. Para sa kanila, barkada trip lang iyon—pero aminado silang hindi ito dapat gayahin dahil delikado at sobra na ang ginawa

Mahirap ako, pero hindi ako gold digger
Sa kabila ng wagas na pagmamahalan ni sender at ng kaniyang partner, naging hadlang ang pagtutol ng pamilya nito dahil sa agwat ng kanilang estado sa buhay. Nasaktan siya nang malaman niyang niloko siya ng partner at tuluyan niyang binitiwan ang kanilang relasyon. Ngunit ang hindi alam ng partner niya, may anak silang bunga ng kanilang pagmamahalan—isang lihim na apat na taon niyang itinatago haba

May pagnanasa sa‘kin ang Boyfriend ng Mama ko
Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento tungkol sa jowa ng kanyang nanay na may pagtingin din sakanya at palagi siya nitong pinagmamasdan sa tuwing dadalaw ito sa palengke. Ito ang secret file ni ISAY.

Humingi ng siya tawad sa kasalanang hindi niya ginawa
Mapapa-sana all ka na lang talaga kasi 'yung ibang tao riyan, kahit kasalanan nila, wala kang sorry na makukuha! Hmp! Charot with harot!Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story

Tatlong dekada niya akong hinintay
Ibinahagi ng sender na for the longest time, ni-re-reject niya ang kaibigan niya. Hindi niya naman kasi type! Pero sa paglipas ng mahigit tatlong dekada, muling nagtagpo ang kanilang landas at doon niya napagtanto na ang taong lagi niyang itinutulak palayo ay matagal na palang naghihintay sa kaniya. Mapagbigyan niya kaya ang pag-ibig na may tiyaga? Ito ang secret file ni Hannah.

Nagpabembang sa iba si Misis kaya siya nabuntis
Ibinahagi ng sender na masaya na ang pamilya nila ng asawa kasama ang dalawa nilang anak. Pero nang magtrabaho ang misis sa Batangas, unti-unting nagbago ang lahat. Nalaman niya na nagpabembang sa iba ang misis niya kaya nabuntis ulit ito. Matanggap niya kaya ang paghingi ni misis ng kapatawaran? Ito ang secret file ni Jimboy.

Hinarap ko ang pagsubok ng babaeng nakapulang bikini
Ibinahagi ng sender na isang utos mula sa kaniyang ama ang nagsimula ng malaking pagsubok sa buhay niya. Isang sexy na babaeng nakapulang bikini ang bumungad sa kaniya dahil sa utos na ito!! Kayanin niya kaya ang hamon? Ito ang secret file ni Jepjep.

Anong kasalanan ko para pati mga anak ko ay magdusa?
Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam ng isang magulang na nakikita ang anak niyang nahihirapan. Gets na gets 'yan ng mga Kabisyo nating ginagawa ang lahat para sa mga anak nila!Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real w

Pinagbintangan niya ako na ginalaw ko raw siya
Ibinahagi ng sender ang naging resulta ng pagmamabuting-loob niya—pinagbintangan siya ng kaibigan niya na ginalaw niya raw ang asawa nito. Ngayon, sira na ang relasyon nila at naiwan sa kanya ang isang tanong: bakit niya ang kailangang pagbayaran sa isang bagay na hindi naman niya ginawa? Ito ang secret file ni James.

Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit 'di pa rin sapat?
Sabi nila, kung para sa'yo, para sa'yo. Kung hindi, ipilit mo! Hahaha! Charot with harot!Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story n

Nagbebemb*ng kami ng Ex ko habang may GF siya
Ibinahagi ni Rhian na kahit 5 years na silang magjowa, hindi pa rin niya mahanap ang lugar niya sa buhay ng boyfriend niya. Ang mas masakit dito, nagkahulihan pa sila sa beerhouse. Sabi ng jowa niya, boys night out lang 'yun—hanggang kailan paniniwalaan ni Rhian ang white lies ng boyfriend niya at ng mga kaibigan nitn?

Napaluhod ako sa harap ng asawa ko dahil sa mensaheng natanggap ko
Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang mabuting magulang? Hindi ka na ba mabuting ama kung hindi mo kayang ibigay ang lahat para sa iyong pamilya?Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the ne

Isa akong sundalo na napalaban sa ibang bakbakan
Ibinahagi ng sender, isang corporal ng Philippine Army sa Eastern Command ng Davao, ang kaniyang karanasan sa kakaibang bakbakan. Sabi nga nila, “All is fair in love and war,” at damang-dama niya ngayon ang kalupitan ng pag-ibig. May kakahantungan kaya ang paghahabol niya sa isang taong hindi sigurado sa kaniya? Ito ang secret file ni Sarge.

Natikman ko na ang marshmallow ng classmate ko
Ibinahagi ng sender ang isang sikretong matagal niya nang itinatago—bata pa lang siya noon, pero natikman niya na ang marshmallow ng kaniyang kaklase! Ano kayang patutunguhan ng isang relasyong nabuo sa tikiman? Ito ang secret file ni Anna Joy.

Pinilit niyang ipalaglag ko ang anak namin
Ibinahagi ng sender na ang taong itinuring niyang parang kuya ay may madilim pala na balak sa kaniya. Nang mabuntis siya nito, inakusahan pa siya ng lalaki na hindi raw sa kaniya ang anak kaya gustong itigil ang pagbubuntis niya. Hanggang kailan niya ipapahamak ang buhay niya at ng kaniyang pamilya? Ito ang secret file ni Jelai.

Naging Sugar Mommy ako for seven years
Ibinahagi ng sender lahat. As in lahat, Kabisyo. Paano, eh, sugar mommy raw siya ng boyfriend niya! Umabot pa sa puntong nagpatayo siya ng motor shop dahil pangarap daw ito ng boyfriend niya, pero ibang babae na pala ang minemekaniko ng boyfriend niya. Sapat na kaya ang seven years para matauhan siya? Ito ang secret file ni Winnie.

Si Mama at Papa ang nasusunod sa kasal ko
Ibinahagi ng sender ang kaniyang excitement tungkol sa nalalapit niyang kasal, pero mukhang hindi lang siya ang may plano! Ramdam na niya ang pressure ng kaniyang mga magulang—ang tanong, hanggang saan ba ang impluwensiya nila sa kasal niya? Ito ang secret file ni Aika.

Nakainom ako ng ipinagbabawal na gamot
Ibinahagi ng sender na habang inaalagaan niya ang kapatid niyang na naka-confine sa ospital, isang poging nurse ang lumapit at binigyan siya ng asul na tableta. Ano kayang kahahantungan ng pag-inom niya ng ipinagbabawal na gamot? Ito ang secret file ni Paola.

Intern ako, pero si Manager ang sumisipsip sa‘kin
Ibinahagi ng sender, isang 23-anyos na intern, na nagkaroon siya ng relasyon sa 55-anyos niyang manager. Hanggan saan kaya hahantong ang pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking pamilyado na? Ito ang secret file ni Sofia.

Ikakasal na ako, pero mahal ko pa rin ang Ex ko
Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento ng tungkol sa mga naiwang emosyonal na sugat at mula sa nakaraang relasyon habang naghahanda sa pagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanyang kasalukuyang fiancé. Hanggang kailan siya mumultuhin ng ex niya? Ito ang secret file ni Ann.

Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin
Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei.

Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko
Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex.

Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog
Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph.

Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko
Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka.

Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex.

Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako
Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark.

Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako
Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira?

Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay
Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni J

Si Papa ang nakauna sa‘kin imbes na asawa ko
Ibinahagi ng sender ang madilim niyang nakaraan at kung paano ito patuloy na nanggugulo sa buhay-mag-asawa nila ngayon. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala nang lubusan dahil sa mga sugat na iniwan ng kanyang pamilya at dating karelasyon. Hanggang kailan kaya bibitbitin ng sender ang masakit na katotohanang nauna ang papa niya imbes na asawa niya? Ito ang secret file ni Diva.

May kabit at pamilya na pala ang asawa kong OFW
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan niya bilang isang asawa ng OFW. Sa isang simpleng Facebook notification lang, nasira ang pamilyang inalagaan niya ng mahigit 11 years. Hanggang kailan titiisin ni Mae ang lahat ngayong nahuli niyang may kabit at pamilya na pala ang asawa niyang OFW? Ito ang secret file ni Mae.

Nahuli ko ang Girlfriend ko at ang Boy Best friend niya
Ibinahagi ng sender ang isang masakit na katotohanan sa likod ng kanilang relasyon ng kaniyang girlfriend at ang boy best friend nito. Hanggang kailan niya kayang magbulag-bulagan sa harap ng katotohanang mas pinili ng girlfriend niya ang iba kaysa sa kanilang relasyon? Ito ang secret file ni Andy.

Inahas ko ang Boyfriend ng kumupkop sa‘kin at proud ako
Ibinahagi ng Secret File Sender na ang pag-ibig ay nakakahibang talaga. Matapos siyang kupkupin ng isang pamilya abroad, nagawa niya pa rin silang suklian ng pagtataksil na ikakasira ng relasyon nila sa isa't isa. Hanggang kailan kaya magiging proud si Lia na inahas niya ang boyfriend ng kumupkop sa kaniya? Ito ang secret file ni Lia.

Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko
Ibinahagi ng sender ang hirap na nararamdaman niya sa loob ng 13 taong pagsasama. Akala niya ay matitiis niya pa, pero habang siya ay naghihintay ng kasal at sariling tahanan, ang taong mahal niya ay parang walang balak ibigay ang mga ito. Hanggang kailan siya mananatiling sunud-sunuran sa relasyon nila? Ito ang secret files ni Glory.

Ginawa kong ATM ang mga kabit ko
Ibinahagi ng Secret File sender ang sikretong matagal niya nang itinatago sa asawa niya. Sa likod ng kanilang pagsasama, may katotohanan na unti-unting nabubunyag sa bawat pagkakataong siya ay gipit sa pera. Hanggang kailan kaya niya mapagtatakpan na ginagawa niyang ATM ang mga kabit niya? Ito ang secret file ni Albert.

Iba ang nakabuntis sa Girlfriend ko, pero ako ang nag-alaga
Ibinahagi ng sender ang isinakripisyo niya para sa maling tao. Sa kabila ng paulit-ulit na panloloko, sinubukan niya pa ring kumapit hanggang sa unti-unting mabunyag ang isang mas malalim at mas masakit na katotohanan. Ito ang secret file ni Kim.

Ka-eyeball ko kanina, ka-bullseye ko mamaya
Ibinahagi ng sender ang kanyang kakaibang love story na nagsimula sa isang textmate at clan meetup noong 2006, kung saan nakilala niya si Jenny at agad nabuo ang kanilang koneksyon. Makalipas ang dalawampung taon, ang kanilang hindi pangkaraniwang simula ay nauwi sa habambuhay na pagmamahalan. Ito ang secret file ni Tukoy.

Nagbigay ako ng pera sa babaeng hindi ko pa nakikita
Ibinahagi ng sender kung paano siya unti-unting nahulog sa isang babaeng nakilala lamang niya sa isang dating app. Dahil sa tiwala at pagmamahal na nabuo sa pagitan nila, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito sa oras ng pangangailangan. Ngunit sa unang pagkakataong nagkita sila nang personal, isang nakakagulat na katotohanan ang tuluyang nagpabago sa lahat. Ito ang secret file ni Jason.

Umaasa na lang ako sa himala para sa paggaling ng anak ko
Ibinahagi ng sender ang masakit na paglalakbay nila bilang mga magulang matapos mapansing nahuhuli sa development ang kanilang anak na si Jim. Mula sa pag-asang normal lang ang lahat, isang diagnosis ang tuluyang nagpabago sa kanilang buhay at nagtulak sa kanilang kumapit sa pag-asa at himala para sa kinabukasan ng kanilang anak.

Hindi lang pera ang nawala kundi pati kapatid ko
Isang retiradong ina ang buong pusong ipinagkatiwala ang kanyang retirement fund sa investment na ipinakilala ng sarili niyang anak. Ngunit nang mawala ang pera, kasabay rin nitong naglaho ang kanyang anak, na tuluyang umiwas at pinutol ang lahat ng komunikasyon. Sa huli, napilitan silang magsampa ng reklamo hindi dahil sa paghihiganti, kundi para ipaglaban ang tama. Isang masakit na kuwento ng pa

Secretary ako ng Boss ko at kabit niya ako
Ibinahagi ng ating sender kung paanong ang trabahong nakuha niya para tulungan ang pamilya ay naging dahilan para maging kabit siya. Ito ang secret file ni Lily.

Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba
Matagal nang lihim na minahal ng sender ang matalik niyang kaibigang, ngunit pinili niyang manahimik sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Habang hinihintay niya ang tamang panahon para umamin, may ibang lalaking dumating, minahal ng kaniyang iniibig, at nauwi pa sa kasalan. Bilang best friend, ang sender pa mismo ang naging saksi sa bawat hakbang ng babaeng mahal niya papalayo sa kanya.

Natatakot akong matulog sa tabi ng Asawa ko
Ibinahagi ng sender ang takot na bumabalot sa kanya matapos siyang saktan ng sariling asawa sa kanilang honeymoon. Bagama't humihingi ito ng tawad at nagsisikap magbago, aminado siyang hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang matulog sa tabi ng lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng panganib. Ito ang secret file ni Erica.

Nanloko ako ng iba para sa sugal
Ibinahagi ng ating sender kung paano siya nalulong sa sugal hanggang sa naloko niya ang mga katrabaho at maging ang sarili niyang mga magulang para lamang may maipangtaya. Nang mawala ang lahat at mawalan na rin siya ng pag-asang mabawi ang kanyang buhay, isang tawag mula sa kanyang ina ang nagpabago sa kanyang isip at nagbigay sa kanya ng dahilan upang muling lumaban. Ito ang secret file ni Denni

Isang pagkakamali ang sumira sa kasal na pinapangarap ko
Ibinahagi ng ating sender kung paano nasira ang pangarap nilang kasal matapos siyang magkamali sa isang gabing nalasing at nagtaksil sa kanyang fiancée. Nang magpositibo siya sa isang sexually transmitted infection, pinili niyang umamin sa lahat. Sa halip na galit, katahimikan at luha ang isinukli ng babaeng mahal niya kasabay ng desisyong tuluyan nang kanselahin ang kasal nilang matagal nilang pi

Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko
Ibinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy.

Noong nawala si Ate, doon lang namin nalaman ang sikreto niya
Ibinahagi ng ating sender ang masakit na kuwento ng biglaang pagkamatay ng kanyang ate na si Jasni matapos lumala ang inaakala nilang simpleng impeksyon. Habang pilit nilang ipinagdarasal ang paggaling nito, isang lihim ang unti-unting nabunyag matapos ang kanyang pagpanaw isang sikretong hindi nila inakalang matagal na pala nitong kinikimkim. Ito ang secret file ni Rocky.

May inggiterang kapitbahay ako na ipinagtanggol ng partner ko
Ibinahagi ng sender ang kanyang sama ng loob matapos siyang maging sentro ng tsismis ng isang kapitbahay na umano'y naiinggit sa kanya. Ngunit higit siyang nasaktan nang ang sarili niyang live-in partner ang nagtanggol sa kapitbahay. Kalaunan, nalaman niyang dating magka-live in ang dalawa, dahilan upang lalo siyang magduda at magtanong kung mali bang masaktan dahil hindi siya ang piniling kam

Nahuli ko ang Asawa ko na nakad*d* sa Hipag ko
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan nang mahuli niya ang kanyang asawa sa isang hindi inaasahang sitwasyon kasama ang kanyang hipag—ang mismong taong pinagkatiwalaan niyang tumulong sa pag-aalaga at pagpapasuso sa kanilang sanggol. Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang matutuluyan, lalo siyang nalilito kung pipiliin pa bang ilaban ang kanilang pamilya o unahin na lamang ang kapakana

Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon

Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pa

Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret

Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya s

Nahuli ko si Lolo at ang kasamabahay namin na nagbebembangan
Ibinahagi ng sender ang kwento ng sikretong natuklasan niya habang wala sa bansa ang kanyang mga magulang. Matapos niyang mahuli ang kanyang lolo at kasambahay sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nalaman niyang may mas malalim pa palang dahilan sa kanilang relasyon. Ngunit habang pilit niyang iniingatan ang sikreto ng pamilya, hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang nahuhulog ang loob sa ba

May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako
Ibinahagi ni ang kwento ng paglaking may pamilya pero pakiramdam ay iniwan at nakalimutan. Habang pilit niyang binubuo ang sarili sa kabila ng sakit at pangungulila, isang diagnosis ang dumating na lalo pang nagpabigat sa kanyang pinagdadaanan. At doon niya muling natanong hanggang kailan ba kakayaning lumaban kapag pakiramdam mo mag-isa ka? Ito ang secret file ni Raquel.

Pumayag akong maging pangalawa
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahi

Gagalawin ng Mister ko ang ibang babae para sa pera
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas

May gusto akong sabihin sa taong minsan kong minahal
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung h

Hindi lahat ng babalik ako, may kasunod na pagbabalik
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isan

Hindi na ako papayag na maging side chick
Ibinahagi ng sender ang pinagdaanan niya sa isang relasyong unti-unting sumira sa tiwala niya at nag-iwan ng maraming sugat. Akala niya ay tapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, pero nang muling bumalik si Xian sa buhay niya, bumalik din ang mga damdaming pilit niyang tinatago.

Muntik na akong madali ni Father
Ibinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niy

Anak ng Ex ko ang Boyfriend ko ngayon
Ibinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya

Sinaktan ako ng Daddy ko
Ibinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak

Niloko at ginamit lang ako ng babaeng pinakamamahal ko
Ibinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may k

Ayoko na ituloy ang kasal dahil marami pala siyang utang
Ibinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño.

Naging kabit ako ng isang Pulis
Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas mu

Inaral ko ang pagkuha ng ebidensya para mahuli ko ang BF ko
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag an











