
Ang Bombo Radyo Bacolod (DYWB 630 AM) ay isang AM commercial radio station na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng People's Broadcasting Service, Inc., sa ilalim ng Bombo Radyo Philippines. Nakabase ito sa Bacolod City at nagbibigay ng balita, public affairs, talakayan, at drama para sa mga taga-Negros Occidental. Ang mga programa ay pangunahin sa wikang Hiligaynon at Filipino.