
Ang RPN DYKB Bacolod (1404 AM) Radyo Ronda ay isang AM radio station na pag-aari at pinamamahalaan ng Radio Philippines Network. Nakabase ito sa Brgy. Sum-ag, Bacolod City, na sumasaklaw sa buong Negros Occidental, Guimaras at mga karatig na lugar. Nagbibigay ito ng mga balita, public affairs at talk programs sa wikang Hiligaynon at Filipino.